9.02.2021

A Season of Refining

Hindi ko alam kung saan magsisimula. 
Siguro sa pagpapasalamat na nandito parin ako sa mundo. 
Na araw-araw nagigising parin para magluto, 
                                                             maglinis, 
                                                                 maghugas ng pinggan, 
                                                                    maglaba, 
                                                                       magpaligo. 

 Nung isang araw lang, sabi ko sa anak kong si Welyn, 
"Di ko alam anong mangyayari sa'yo pag nawala ako." 

Nagpapasalamat ako na kasama ko pa ang asawa ko. 
Na kahit madalas syang lumabas, nandito parin kami. 

May nakita akong isang post sa Facebook, 
                                                       yung bagong kasal, 
                                                          buntis, 
                                                             ubod ng bait at talino, 
                                                               umalis na kasama ang kanyang baby. 

Kahit ganun, di ko dapat kalimutan na totoo ang plano ng Diyos para sa mga anak Nya. 
Na nandito tayo sa mundo para magkaroon ng katawan, 
                                                                   malayang piliin ang mabuti palagi, kahit mahirap, 
                                                              maging katulad Nya, 
                                                        maging tunay na masaya. 

Ang mga mahal nating nauna, 
                 Ngayon ay payapa na. 

Sa ating narito pa, 
            Tayo ay magpakatatag,
                    Patuloy na maniwala, 
                          Patuloy na matuto, 
                                Patuloy na umunlad. 
 
                                         Pagkat ang oras ay nasa kamay ng ating Ama. 
           
At kung sa pagdilat ay isang bagong mundo, 
          Tayo ulit ay matututo, 
                                       uunlad 
                                                at 
                                              patuloy na magmamahal.

10.19.2020

Free Printable: Yellow Rain




I and the children made some cute printables this morning and we're sharing this to you in case you need some rainy sunshine xoxo

Download here ♥

7.17.2020

“It is never too late to be what you might have been.” handog ni George Eliot para sa mga kulelat (2009)


Ni: Diego M. Alba---- > this used to be my pen name

Nalulunod na yata ang utak ko sa kasusunod sa layaw ng aking katawan?  Nasusuka na ako sa bawat karneng kinakain ko. Tuloy mismo ang ulam na bigay sa akin ng landlady ko bilang pa-consuelo sa limang oras na pamamalakad sa kanilang negosyo, ay nagbibigay sa’kin ng first-hand experience kung gaano ka ‘yuck’ ang grasa ang ‘pork’.

Naiinis ako kung bakit hanggang sa oras na ‘to ay hindi parin ako nakakatulog. Siguro epekto ng pepsi na ininom ko kanina, nang malamang wala nang Tropicana sa mini grocery store <still pag-aari ng landlady ko>.

Mabuti pa ang cellphone na hawak ko, nagkaroon pa ng awa sakin.  Hindi ako makatulog. Tuloy wala akong kawala sa kakaisip ko sa lahat ng ‘makaraos lang’ na attitude ko sa bagay-bagay.

The scars of mediocrity are delving into my system. Ikaapat na taon ko na ‘to sa UP ngunit bakit ngayon ko lang naramdaman ang salitang ‘excellence’. 

Hindi ko naramdaman ang kahulugan ng katagang ‘yon at ang responsibilidad na kakambal nun. Nasusuka na ako sa mediocrity. Gusto kong maramdaman ang pagiging iskolar.

Ang pagiging iska ay pinapangarap ng iba ngunit matagal kong naramdaman ang kahulugan nito. Tumuntong ako dito sa UP dahil sa isang palpak na plano. Late enrollee ako.  Marahil yun ang dahilan kung bakit ba hindi na lang ako isinali sa bridge program sa math. 

Naiinis ako kung bakit hind ko alam paano ‘mag-aral’ noon.  Naiinis ako dahil alam kong hindi ako yung batang minsang nakatulog habang kumukuha ng exam, o di kaya’y gumagala ang utak habang nag-eenjoy ang teacher sa kakagamit ng colored na chalk. 

Akala ko mabilis akong tumakbo. Hindi ko pala  kayang habulin lahat ng deadlines nang hindi nasusugatan.  Naiinis ako sa paniniwalang ang talino ay sapat na.  Kelangan pa pala ng gawa.

Importante pala talaga ang pagkakaroon ng notebooks para may gamitin sa pag-rereview. Naiinis ako sa pangangarap ng ‘tres’ at mas malala, sa isang removal exam. 

May isang marunong ang minsang nagsabing “Don’t deal with generalities, be specific.”  Naiinis ako na kahit gustuhin ko man, marami talagang mga bagay ang hindi ko kayang gawin. 

Naiinis ako kung bakit hindi na ako nag-apply sa STFAP, matapos malamang hanggang bracket 5 lang ako, kahit nag-file ng appeal mula sa pagiging bracket 9. 

Naiinis ako sa mga panahong nakikita ko ang mga nasa bracket 1-4 na may high-tech na cellphone habang ako na nasa bracket 5 ay nahihiya pang ilabas ang 3210. 

Minsan, naiisip ko kung  bakit ganito ang naging buhay ko sa kolehiyo.  Nagkaroon ng pangalang hindi kakikitaan ng ningning;kung bakit andito ako sa kolehiyo ng pangangasiwa kung saan sa pagiging baguhan ay naramdaman ang level of hierarchy sa tatlong kurso. 

Kahit hindi imposed, pero naramdaman ko. 

Kung bakit sa major subjects ko lang naintindihan kung bakit hindi ko kelangang manghinayang sa mundong pinasukan ko. 

Nanghihinayang ako kung bakit ngayon ko lang naintindihan ang pork barrel at kung bakit kelangang nasa pdf ang format ng pinakaimportanteng materyal na nakita ko upang ipaliwanag ito; maikling pahayag na kapag inipon ay malaking bukol sa ulo.