Ni: Diego M. Alba---- > this used to be my pen name
Nalulunod na yata ang
utak ko sa kasusunod sa layaw ng aking katawan? Nasusuka na ako sa
bawat karneng kinakain ko. Tuloy mismo ang ulam na bigay sa akin ng
landlady ko bilang pa-consuelo sa limang oras na pamamalakad sa kanilang
negosyo, ay nagbibigay sa’kin ng first-hand experience kung gaano ka
‘yuck’ ang grasa ang ‘pork’.
Naiinis ako kung bakit hanggang sa oras na
‘to ay hindi parin ako nakakatulog. Siguro epekto ng pepsi na ininom ko
kanina, nang malamang wala nang Tropicana sa mini grocery store
<still pag-aari ng landlady ko>.
Mabuti pa ang cellphone na
hawak ko, nagkaroon pa ng awa sakin. Hindi ako makatulog. Tuloy wala
akong kawala sa kakaisip ko sa lahat ng ‘makaraos lang’ na attitude ko
sa bagay-bagay.
The scars of mediocrity are delving into my system.
Ikaapat na taon ko na ‘to sa UP ngunit bakit ngayon ko lang naramdaman
ang salitang ‘excellence’.
Hindi ko naramdaman ang kahulugan ng
katagang ‘yon at ang responsibilidad na kakambal nun. Nasusuka na ako sa
mediocrity. Gusto kong maramdaman ang pagiging iskolar.
Ang pagiging
iska ay pinapangarap ng iba ngunit matagal kong naramdaman ang kahulugan
nito. Tumuntong ako dito sa UP dahil sa isang palpak na plano. Late
enrollee ako. Marahil yun ang dahilan kung bakit ba hindi na lang ako
isinali sa bridge program sa math.
Naiinis ako kung bakit hind ko alam
paano ‘mag-aral’ noon. Naiinis ako dahil alam kong hindi ako yung
batang minsang nakatulog habang kumukuha ng exam, o di kaya’y gumagala
ang utak habang nag-eenjoy ang teacher sa kakagamit ng colored na
chalk.
Akala ko mabilis akong tumakbo. Hindi ko pala kayang habulin
lahat ng deadlines nang hindi nasusugatan. Naiinis ako sa paniniwalang
ang talino ay sapat na. Kelangan pa pala ng gawa.
Importante pala
talaga ang pagkakaroon ng notebooks para may gamitin sa pag-rereview.
Naiinis ako sa pangangarap ng ‘tres’ at mas malala, sa isang removal
exam.
May isang marunong ang minsang nagsabing “Don’t deal with
generalities, be specific.” Naiinis ako na kahit gustuhin ko man,
marami talagang mga bagay ang hindi ko kayang gawin.
Naiinis ako kung
bakit hindi na ako nag-apply sa STFAP, matapos malamang hanggang bracket
5 lang ako, kahit nag-file ng appeal mula sa pagiging bracket 9.
Naiinis ako sa mga panahong nakikita ko ang mga nasa bracket 1-4 na may
high-tech na cellphone habang ako na nasa bracket 5 ay nahihiya pang
ilabas ang 3210.
Minsan, naiisip ko kung bakit ganito ang naging buhay
ko sa kolehiyo. Nagkaroon ng pangalang hindi kakikitaan ng ningning;kung bakit andito ako sa kolehiyo ng pangangasiwa kung saan sa pagiging
baguhan ay naramdaman ang level of hierarchy sa tatlong kurso.
Kahit
hindi imposed, pero naramdaman ko.
Kung bakit sa major subjects ko lang
naintindihan kung bakit hindi ko kelangang manghinayang sa mundong
pinasukan ko.
Nanghihinayang ako kung bakit ngayon ko lang naintindihan ang pork barrel at kung bakit kelangang nasa pdf ang format ng pinakaimportanteng materyal na nakita ko upang ipaliwanag ito; maikling pahayag na kapag inipon ay malaking bukol sa ulo.
No comments:
Post a Comment
What do you think?