7.17.2020

Kite Flying 1 (2008)


 

Sa dami ng nais isulat, hindi ko maintindihan kung bakit ito pa.

Wala nang magniningning na tala sa aking gabi.

Wari parang lata ng sardinas na kinalawang sa pag patak ng ulan.

Kaya mang punuin ang bote ng iba,

Ngunit hindi ang boteng may takip, sarado,

Kinalawang na ang takip,

Mabuti pang basagin o wala.

Gaano kaya kalayo ang mararating

Ng bawat patak ng ulan sa malihim na ilog?

Ewan, hindi ko masundan,

Napakalayo, ako’y maliligaw,

Matarikang daan,

Masyado nang pagod ang aking mga paa.

Sa bawat papel na napupuno ko,

Kasama ang mga erasures at doodles,

Nasisiyahan ang kamay ko.

Sa wakas nakarami rin ako.

Marunong pala akong magsulat. 

Ngunit hindi lahat ng mga salitang nailapat ay buhay.

Hindi lahat ay totoo.

Marahil kulang pa ang laman ng bote

O kaya’y masyadong pang matarik ang daan.

Hindi ko maidiin ang labi upang halikan ang bahaghari.

Masyadong malayo, masyadong makulay.

Hindi ko talaga siguro maaabot.

Maghihintay na lamang ako ng sampu pang bukas ng pag-ulan.

Ang bahaghari’y kailangan kong abutin.

Ngunit napakalayo.

Masyadong makulay.

Kinalawang na ang takip ng bote.

No comments:

Post a Comment

What do you think?