7.17.2020

“It is never too late to be what you might have been.” handog ni George Eliot para sa mga kulelat (2009)


Ni: Diego M. Alba---- > this used to be my pen name

Nalulunod na yata ang utak ko sa kasusunod sa layaw ng aking katawan?  Nasusuka na ako sa bawat karneng kinakain ko. Tuloy mismo ang ulam na bigay sa akin ng landlady ko bilang pa-consuelo sa limang oras na pamamalakad sa kanilang negosyo, ay nagbibigay sa’kin ng first-hand experience kung gaano ka ‘yuck’ ang grasa ang ‘pork’.

Naiinis ako kung bakit hanggang sa oras na ‘to ay hindi parin ako nakakatulog. Siguro epekto ng pepsi na ininom ko kanina, nang malamang wala nang Tropicana sa mini grocery store <still pag-aari ng landlady ko>.

Mabuti pa ang cellphone na hawak ko, nagkaroon pa ng awa sakin.  Hindi ako makatulog. Tuloy wala akong kawala sa kakaisip ko sa lahat ng ‘makaraos lang’ na attitude ko sa bagay-bagay.

The scars of mediocrity are delving into my system. Ikaapat na taon ko na ‘to sa UP ngunit bakit ngayon ko lang naramdaman ang salitang ‘excellence’. 

Hindi ko naramdaman ang kahulugan ng katagang ‘yon at ang responsibilidad na kakambal nun. Nasusuka na ako sa mediocrity. Gusto kong maramdaman ang pagiging iskolar.

Ang pagiging iska ay pinapangarap ng iba ngunit matagal kong naramdaman ang kahulugan nito. Tumuntong ako dito sa UP dahil sa isang palpak na plano. Late enrollee ako.  Marahil yun ang dahilan kung bakit ba hindi na lang ako isinali sa bridge program sa math. 

Naiinis ako kung bakit hind ko alam paano ‘mag-aral’ noon.  Naiinis ako dahil alam kong hindi ako yung batang minsang nakatulog habang kumukuha ng exam, o di kaya’y gumagala ang utak habang nag-eenjoy ang teacher sa kakagamit ng colored na chalk. 

Akala ko mabilis akong tumakbo. Hindi ko pala  kayang habulin lahat ng deadlines nang hindi nasusugatan.  Naiinis ako sa paniniwalang ang talino ay sapat na.  Kelangan pa pala ng gawa.

Importante pala talaga ang pagkakaroon ng notebooks para may gamitin sa pag-rereview. Naiinis ako sa pangangarap ng ‘tres’ at mas malala, sa isang removal exam. 

May isang marunong ang minsang nagsabing “Don’t deal with generalities, be specific.”  Naiinis ako na kahit gustuhin ko man, marami talagang mga bagay ang hindi ko kayang gawin. 

Naiinis ako kung bakit hindi na ako nag-apply sa STFAP, matapos malamang hanggang bracket 5 lang ako, kahit nag-file ng appeal mula sa pagiging bracket 9. 

Naiinis ako sa mga panahong nakikita ko ang mga nasa bracket 1-4 na may high-tech na cellphone habang ako na nasa bracket 5 ay nahihiya pang ilabas ang 3210. 

Minsan, naiisip ko kung  bakit ganito ang naging buhay ko sa kolehiyo.  Nagkaroon ng pangalang hindi kakikitaan ng ningning;kung bakit andito ako sa kolehiyo ng pangangasiwa kung saan sa pagiging baguhan ay naramdaman ang level of hierarchy sa tatlong kurso. 

Kahit hindi imposed, pero naramdaman ko. 

Kung bakit sa major subjects ko lang naintindihan kung bakit hindi ko kelangang manghinayang sa mundong pinasukan ko. 

Nanghihinayang ako kung bakit ngayon ko lang naintindihan ang pork barrel at kung bakit kelangang nasa pdf ang format ng pinakaimportanteng materyal na nakita ko upang ipaliwanag ito; maikling pahayag na kapag inipon ay malaking bukol sa ulo.

Kite Flying 1 (2008)


 

Sa dami ng nais isulat, hindi ko maintindihan kung bakit ito pa.

Wala nang magniningning na tala sa aking gabi.

Wari parang lata ng sardinas na kinalawang sa pag patak ng ulan.

Kaya mang punuin ang bote ng iba,

Ngunit hindi ang boteng may takip, sarado,

Kinalawang na ang takip,

Mabuti pang basagin o wala.

Gaano kaya kalayo ang mararating

Ng bawat patak ng ulan sa malihim na ilog?

Ewan, hindi ko masundan,

Napakalayo, ako’y maliligaw,

Matarikang daan,

Masyado nang pagod ang aking mga paa.

Sa bawat papel na napupuno ko,

Kasama ang mga erasures at doodles,

Nasisiyahan ang kamay ko.

Sa wakas nakarami rin ako.

Marunong pala akong magsulat. 

Ngunit hindi lahat ng mga salitang nailapat ay buhay.

Hindi lahat ay totoo.

Marahil kulang pa ang laman ng bote

O kaya’y masyadong pang matarik ang daan.

Hindi ko maidiin ang labi upang halikan ang bahaghari.

Masyadong malayo, masyadong makulay.

Hindi ko talaga siguro maaabot.

Maghihintay na lamang ako ng sampu pang bukas ng pag-ulan.

Ang bahaghari’y kailangan kong abutin.

Ngunit napakalayo.

Masyadong makulay.

Kinalawang na ang takip ng bote.

5.15.2020

31

Today, for the first time in many years, I woke up remembering it's my birthday. But I thought it's my 35th! What's wrong with me? 

I'm glad I'm still alive.
I'm grateful that I am still a mother.
I'm grateful my husband can still provide.
I'm grateful we still have a home. 
I'm grateful we can have church at home.
I'm grateful the children are home-schooled.
I'm grateful I can still clean the house.

I'm grateful we are quarantined together.

I'm not ready to let go of my husband once work resumes.

This quarantine is the best birthday gift to me this year.


I made more cooking. 
Children are more welcome to join.
We aren't in a hurry.

We finally have internet at home after years.

I'm grateful I can't use my phone today.
(someone hid the charger)
I'll be away from all the noises.

I'm grateful therapies and consultations are now offered online.
Finally,  the doctors see they can still help, even when not personally seeing the patients.

Finally, everyone is afraid to go to hospitals because of cough and colds.
Few children are now admitted to hospitals due to perceived "pneumonia" and "bronchitis".


Finally, everyone doesn't care about the whiteness of rice.
Finally, everyone is imparting their substance to the poor.
Finally, kept practices are shared on free webinars.
Finally, everyone gets the chance to increase.

Finally, everyone acknowledges the etiquette of physical distancing when someone coughs.

Finally, wearing face masks has become a norm.

Finally, companies see they can save overhead costs by working at home.
Finally, bosses get to talk to their employees frequently.

Finally, grannies, have become more visible in social media.
Finally, they have all the time they need to find old photos and post online.

Finally, we get to see how busy my husband is at work.

Finally, I got the chance to cut my hair really short.

I'm glad I aged another year. I'm grateful to still be alive today.
I'm grateful this blog is still alive and held memories of how I started as a mom with my first.

I'll fix myself. I'll fix my home. And live a life so full yet simple.